Mother Lily Monteverde, Regal Entertainment Matriarch, Passes Away at 85



Mother Lily Monteverde
, a revered figure and foundational pillar of the Philippine entertainment industry, has passed away at the age of 85, as confirmed by her son.


Sa mundo ng entertainment, kilala siyang si "Mother Lily." Kinumpirma ng kanyang anak na si Goldwin Monteverde ang kanyang pagpanaw ngayung Linggo, Agosto 4 taong 2024. Sa darating na ika-19 ng buwang ito magdiriwang sana siya ng kanyang ika-86 na kaarawan.


Sa ngayon, wala pang pahayag mula sa Regal Entertainment o sa iba pang mga kamag-anak niya tungkol sa kanyang pagpanaw.


Ang pagpanaw ni Mother Lily ay kasunod lamang ng pagpanaw ng kanyang asawa na si Leonardo "Father Remy" Monteverde noong Hulyo 29, na inilibing noong Agosto 3.


Ipinanganak bilang Lily Yu Chu, itinatag ni Mother Lily ang Regal Entertainment noong Agosto 1962 at nagsilbing presidente at CEO nito hanggang sa kanyang pagpanaw. Ang kanyang anak na si Roselle ang kasalukuyang COO at bise presidente ng kompanya.


Sa kanyang mahabang karera, nakagawa siya ng mahigit 300 na mga pelikula at naging susi sa tagumpay ng mga karera nina Gabby Concepcion, Dina Bonnevie, Alma Moreno, Snooky Serna, Jimmy Melendez, Albert Martinez, William Martinez, at Maricel Soriano, kasama ang marami pang iba.


Kabilang sa kanyang mga matagumpay na pelikula ang "Mano Po" anthology, "Scorpio Nights," "Blue Moon," ang "Shake, Rattle, & Roll" series, at "My Monster Mom."


Kabilang sa kanyang maraming parangal ang Ina ng Pelikulang Pilipino Award noong 2017 at ang Lifetime Achievement Award noong 2023 mula sa Film Development Council of the Philippines.

Comments